• HEADING-1 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-2 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-3 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-4 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-5 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE

Thursday, April 7, 2005

SAWIKAAN 2005


Ginanap naman ang Sawikaan 2005 noong Agosto 4-5, 2005. Dalawang araw na idinaos ang Sawikaan sa taong ito. Ang unang araw ay tinampukan ng talakayan tungkol sa papel ng midya sa pagpapalaganap ng modernong Filipino at tungkol sa karanasan ng ilang piling bansa sa pagpapaunlad ng kanilang wika. Ang mga tagapagsalita sa unang paksa ay ang beteranong komentarista sa radyo na si Dely Magpayo ng DZRH, ang news director na si Jim Libiran ng ABC 5, at  ang editor na si Ariel Dim. Borlongan ng Balita. Tinalakay naman ni Vladimir F. Malyshev ng Embahada ng Russian Federation ang karanasang Ruso sa wika (The Experience of Russia in Developing a National Language) at ni Prop. Shirley Sy ng UP Asian Center ang karanasan sa Tsina (The Experience of China in Developing a National Language).

Ginanap naman ang pamimili ng salita ng taon sa ikalawang araw. Labindalawa (12) ang nominadong salita sa 2005: blog  ni Vladimeir Gonzales; huwéteng ni Roberto Añonuevo; e-vat ni Leuterio Nicolas; gandára ni Winton Lou Ynion; caregiver ni James Kenneth Sindayen;  call center ni Silvestre Jay Pascual III;  pasawáy ni Patrick Flores; networking ni Jelson Estrella Capilos; wiretapping ni Yolado Jamendang Jr.; coño ni Sharlene Valencia;  tibák/t-back nina April Imson at Salvador Biglaen, Jr.; at  tsunami  ni Michael Francis Andrada.

Bahagyang binago ang proseso ng pagpili sa taong ito. Sa halip na tatlo, lima ang piniling finalist. Ang limang ito ay ang e-vat, gandára, huwéteng, pasawáy, at tibák/t-back. Sa pagtatapos, hinirang na Salita ng Taon ang huwéteng na sinundan ng pasawáy at ng tibák/t-back. Nagkaloob din ng espesyal na premyo para sa pinakamahusay na paraan ng presentasyon na nakamit ng nagtaguyod ng salitang e-vat.

Nagkamit ng gantimpalang P7,500 ang Salita ng Taon;  P5,000 ang ikalawa; at P3,000 ang ikatlo. Ang pinakamahusay na presentasyon ay may gantimpalang P1,500 at ang iba pang hindi nagwagi ay tumanggap din ng P1,500. Kaloob ng Blas F. Ople Foundation ang mga salaping gantimpala.

Sa huling bahagi ng programa, inilunsad ang aklat na Sawikaan 2004, Mga Salita ng Taon na tumatalakay sa mga salitang iniharap ng taong iyon. Limbag ito ng University of the Philippines Press.