• HEADING-1 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-2 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-3 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-4 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE
  • HEADING-5 GOES HERE

    DESCRIPTION GOES HERE

Sunday, October 25, 2015

SAWIKAAN: Salita ng Taon 2016, tumatanggap na ng nominasyon!

Canvass (2004), huweteng (2005), lobat (2006), miskol (2007), Jejemon (2010), wangwang (2012), at selfie (2014)—mga salitang itinanghal na Salita ng Taon sa taunang Kumperensiya ng Sawikaan. Ano kaya ang pinakabagong salitang namamayani sa diskurso sa lipunang Filipino? Halina’t makipulso! Magsumite na ng nominasyon!

Ano ang Sawikaan?
Isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan ng nakalipas na taon.

Ano ang mga salitang maaaring ituring na “Salita ng Taon?”

1) bagong imbento;
2) bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika;
3) luma ngunit may bagong kahulugan, at;
4) patay na salitang muling binuhay.

Sino ang maaaring lumahok sa “Salita ng Taon?”
Maaaring magsumite ang sinumang interesado o makawika ng salitang sa tingin niya ay karapat-dapat na kilalaning Salita ng Taon.

Paano lalahok sa Sawikaan?

  • Magsumite ng isang pahinang panukala na naglalaman ng 1) etimolohiya o pinagmulan ng salita, 2) mga tiyak na gamit ng salita, at 3) mga dahilan kung bakit dapat kilalaning “Salita ng Taon” ang inilalahok na salita.
  • Ipadala ang panukalang lahok sa/o bago ang 15 Disyembre 2015 sa tanggapan ng Filipinas Institute of Translation sa Silid Blg. 2082, Bulwagang Rizal, kolehiyo ng Arte at Literatura, Faculty Center, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon o sa pamamagitan ng email: fitsawikaan2012@gmail.com o sa filipinas.translation@gmail.com. Maaaring magpadala ng higit sa isang lahok.
  • Pagpapasiyahan ng Lupong Tagapagpaganap ng Filipinas Institute of Translation, Inc. kung alin sa mga panukalang salita ang karapat-dapat na piliin bilang mga nominado para sa Salita ng Taon. Makatatanggap ng liham na nagpapabatid na natanggap ang lahok mula sa pamunuan ng FIT.
  • Ang mga pipiliing panukalang salita ay bubuo ng isang ganap na papel na nagbibigay ng katwiran kung bakit ang ipinanukalang salita ang dapat na itampok na Salita ng Taon. Kailangang maisumite sa/o bago ang petsang 28 Pebrero 2016.
  • Magkakaroon ng presentasyon ng mga nominadong salita sa Pambansang Kumperensiyang Sawikaan na gaganapin sa Agosto 2016.Magiging pangunahing batayan ng pagpili ng Salita ng Taon ang 1) lawak ng saliksik, 2) bigat ng mga patunay, 3) linaw ng paglalahad at pangangatwiran, 4) presentasyon.
  • Pipili ng una, ikalawa, at ikatlong “Salita ng Taon.” Magkakaroon din ng espesyal na gantimpala para sa may pinakamahusay at pinakamalikhaing presentasyon. Lahat ay makatatanggap ng gantimpalang salapi mula sa FIT.

Para sa dagdag na impormasyon hinggil sa Sawikaan, basahin ang aklat na Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon ni Eilene Antoinette G. Narvaez na mabibili sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Tampok dito ang sampung taong kasaysayan ng pagpili ng Salita ng Taon, proseso ng paglahok at pagpili ng mananalo, ang 86 na salitang naging nominado sa Sawikaan at ang pitong nagwagi. Makakukuha rin kayo dito ng tip kung paano idedevelop ang inyong lahok na salita!



Maaari ding basahin ang artikulo ni Tsanselor Michael L. Tan na http://opinion.inquirer.net/88576/evolving-filipino-2 hinggil sa pag-unlad ng wikang Filipino.

Tuesday, August 12, 2014

Sawikaan 2014 Salita ng Taon at Pambansang Kumperensiya sa Wika, sa Setyembre na!



Muling idaraos ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT) sa pakikipagtulungan sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at UP Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) ang  “Sawikaan 2014: Pagpili ng Salita ng Taon” kasabay ng “Pambansang Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino” na may temang “Wika ng Kahandaan, Kahandaan sa Wika” na gaganapin sa 25 – 27 Setyembre 2014, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, Faculty Center, UP Diliman, Lungsod Quezon. Ang nabanggit na okasyon ay tinatangkilik din ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ng Commission on Higher Education (CHED).

Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyektong nagtatampok sa pamimili ng pinakamahahalagang salita na namayani sa diskurso ng mga Filipino sa nakalipas na taon. Ilan sa mga itinanghal nang Salita ng Taon ay ang canvass (2004), jueteng/huweteng (2005), lobat (2006), miskol (2007), jejemon (2010), at wangwang (2012). Para sa darating na Sawikaan 2014, napiling nominado ang mga salitang “bossing,” “Filipinas,” “hashtag,” “imba,” “kalakal,” “endo,” “PDAF,” “selfie,” “whistle blower,” “storm surge,” “riding-in-tandem,” “CCTV,” at “peg.” Mga salita itong dulot ng nauusong laro at teknolohiya; naging laman ng telebisyon, mga social network, at balita; o iniluwal ng sumabog na kontrobersiya sa politika at matinding kalamidad. Saksihan kung paano ito bibigyang pakahulugan at ipagtatanggol ng mga kalahok para maging Salita ng Taon 2014! Naniniwala ang FIT na ang proyektong ito ay isang malikhain at mabisang estratehiya para mapatampok ang dinamismo ng wikang Filipino. 

Bukod sa pagpili ng salita ng taon, may inimbitahan ding mga respetadong edukador, administrador, at iskolar sa wika na magbibigay ng panayam hinggil sa napapanahong isyung pangwika. Sa taong ito, tema ng kumperensiya ang “Wika ng Kahandaan, Kahandaan sa Wika,” na nakatuon sa gamit ng wika sa iba-ibang larang ng buhay tulad ng edukasyon, kalamidad, at social media. Magkakaroon din ng pakitang-turo na inaasahang makapagbibigay ng mungkahing paraan ng inter-aktibong pagtuturo ngayon sa wika na angkop sa implementasyon ng K to 12 ng DepEd. Sa huli, magkakaroon din ng Workshop upang mailatag ng mga guro ang kanilang mga pangangailangan, sariling ebalwasyon, at pangangailangan sa pagtuturo na maaaring irekomenda sa DepEd para matugunan nila sa lalong madaling panahon bilang paghahanda sa nalalapit na implementasyon ng programang K-12 sa mga susunod na taon. I-download ang programa para sa inyong gabay: http://tinyurl/Sawikaan2014TentatibongProgram

Bayarin sa rehistrasyon: P3000.00 (non-refundable, para sa registration fee, am/pm snack, tanghalian, handout, kit,  conference bag, ID, sertipiko, aklat ng Sawikaan)

Kinakailangang magpatala bago ang 14 Setyembre 2014 upang maibilang kayo bilang opisyal na delegado. Kung makapagbabayad sa o bago ang Setyembre 19, makakukuha ng 10% deskuwento. Mangyaring magpatala sa online registration sa http://tinyurl.com/Sawikaan2014 o i-download ang reply slip sa http://tinyurl.com/Sawikaan2014Reply-Slip.

Para sa iba pang detalye, maaari kayong makipag-ugnay kay Dr. Edgar C. Samar sa Tel. No. (02) 547-1860 o Mobile no. 0925-7102481 o sumulat sa fitsawikaan2012@gmail.com.



  


Wednesday, April 7, 2010

Sawikaan 2010: Word of the Year Conference in UP Diliman in July


The Filipinas Institute of Translation (FIT), Inc. in cooperation with the Blas Ople Foundation, Anvil Publishing, DepEd, CHED, U.P. Sentro ng Wikang Filipino, and the U.P. College of Arts and Letters will hold Sawikaan 2010: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon on July 29-30, 8:00am-5:00pm at the Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Diliman, Quezon City.

In 2007, “miskol” was declared word of the year because it perfectly captured the Filipino style of appropriating a foreign communication practice to suit the local mores. The conference was not held in 2008 and 2009, as the organizers believe no words came out at that period worthy of the title. It follows then that there is now enough word contenders for the event’s revival.

Old or new words will be considered by the judges as possible word of the year as long as these impacted on the sociocultural, political, social, economic, and other aspects of Filipino life in the last two years. These could be borrowed from a foreign or a local language, or an old one that has acquired a new meaning. The word of the year is a significant addition to Filipino vocabulary and a welcome dictionary entry. As in the previous years, Sawikaan has invited language experts to talk about how to further develop the Filipino national language. Speakers for the July 29 sessions include Dr. Mario I. Miclat, the dean of the U.P. Asian Center; Dr. Zeus Salazar, the respected historian; Dr. Jaime Caro, computer scientist; and Dr. Jesus Federico Hernandez, the Chair of the U.P. Department of Linguistics. Topics to be tackled are neologism, lexicon from non-English languages, computer technology and language, and contribution from the gay subculture.

The revised edition of the UP Diksiyonaryong Filipino (Anvil Publishing) will be launched after the fora. National Artist for Literature Virgilio S. Almario is the editor of the dictionary.

On July 30, ten to twelve proponents will present their papers. Entries in the running include “jejemon, “unli,” “load,” “tarpo,” “spam,” “solb,” “emo,” “namumutbol,” “Ondoy,” and “Ampatuan.” Presentations will be judged according to the paper’s outstanding research, power of evidence and argumentation, and quality of writing. The Blas Ople Foundation will give cash prize to the first, second, and third best papers. The Sawikaan papers will be published as a book.

For inquiries, write to Ms. Eilene Narvaez at filipinas.translation@gmail.com. Or visit the official website sawikaan.net.

Saturday, April 7, 2007

SAWIKAAN 2007: Press Release


“Party List, “telenobela” at “miskol,” napiling nominado sa 2007 Salita ng Taon

Napili na ang walong salitang nominado sa Sawikaan 2007:  Mga Salita ng Taon
(Pambansang Kumperensiya sa Wika at Pagpili ng Salita ng Taon), isang proyekto ng Filipinas Institute of Translation, sa pagtataguyod ng National Commission for Culture and the Arts at ng Blas Ople Foundation.

Napili ang “party list,” “telenobela,” at “miskol” dahil sa matingkad na epekto ng mga ito sa kamalayan ng bayan, lalo na sa aspektong politikal at sosyal sa mga Filipino sa nakaraang mga taon.

Ang iba pang salitang may katulad na halaga at katangian ay “videoke”, “extra judicial killing,” “make over,” “friendster,” at “roro.” Roro ang pinaikling roll on-roll off o ang sistema ng transportasyon sa mga pulo na inaasahang makapag-ambag sa pambansang ekonomiya.

Mahigit sa limampung salita ang isinumite pero ang walo lamang ang pumasa sa pamantayang itinakda ng FIT.

Noong 2004, “canvass,” isang salitang kaugnay ng eleksiyon ang napili ng mga hurado. Noong 2005, tinalo ng “huweteng” ang ibang salita kabilang ang “blog” at “tsunami.” Noong 2006, “lobat” ang naging salita ng taon, nakaungos sa “spa” at “botox.”      

Noong nakaraang taon, tinanggap din ang mga nominasyon mula sa mga probinsiya. Isinunite ang “chacha” mula sa Visayas at “meningococcemia” mula sa Baguio. Para sa taong ito, reserbado ang apat na papel para sa mga salita mula sa rehiyon.

Ang mga nagsumite ng napiling papel ay sisimulan nang sulatin ang kanilang mga paliwanag at argumento para basahin sa Agosto 2-3, 2007 sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, College of Arts and Letters, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Ang mga panauhing pandangal sa taong ito ay ang mga iskolar na sina Florentino Hornedo at Ruth Elynia Mabanglo na tatalakay sa paksang “Ang Wikang Filipino Bilang Wikang Global.”  Kasama ring magsasalita ang mga lingguwista mula sa ibang bansa, na magpapaliwanag naman kung paano nabuo ang kanilang pambansang wika. Layunin nitong magbahagi ng mga kaalaman sa pagsusulong ng Filipino. Imbitado sa taong ito ang tagapagsalita mula France at Mexico.

Bukas ang kumperensiya sa mga guro, estudyante, at iba pang interesado sa wika. Kontakin lamang sina Ms. Eilene Narvaez (9244747) o Prop. Romulo P. Baquiran, Jr. (9221830), Filipinas Institute of Translation, Rm. 2082, Bulwagang Rizal, College of Arts and Letters, University of the Philippines, Diliman, Quezon City, o mag-email sa filipinas.translation@gmail.com.

SAWIKAAN 2007: Press Release (Final)


Contact Person:
Romulo P. Baquiran, Jr.
0919-6384488
jbaquiran@gmail.com


Mga Diplomat ng Mehiko at Pransiya, panauhing tagapagsalita sa
Sawikaan 2007: Mga Salita ng Taon

Ang Embahador at Unang Kalihim ng mga embahada ng Mehiko at Pransiya
sa Filipinas ang ilan sa pangunahing tagapagsalita sa Sawikaan 2007:
Mga Salita ng Taon na idadaos sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal,
Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman,
Lungsod Quezon sa 2-3 Agosto 2007.
Tatalakayin nina Embahadora Erendira Araceli Paz Campos at Unang
Kalihim Georges-Gaston Feydeau ang dinamikang lingguwistiko at
panlipunan-politika ng mga wikang Mehikano at Pranses.
Naglingkod si Ms. Paz Campos bilang Pangkalahatang Kalihim sa United
Nations hanggang maitalaga sa kasalukuyang posisyon sa Maynila noong
Marso 2005. Nahirang na siya sa iba't ibang kapasidad kabilang ang
pagiging Konsul sa Konsuladong Mehikano sa Texas, USA.
Si G. Feydeau ay eksperto sa diplomasyang pangkultura, konsular,
politikal, economiko, at militar. Mula 2001, Diputado siya ng
Embahador sa Filipinas at nangangasiwa sa mga palihan, kumperensiya,
at ugnayang konsular. Naglingkod na siyang direktor sa Hapon,
Indonesia, Somalia, at Gran Britanya. Sa presentasyon ni G. Feydeau,
tutulungan siya ni Bb. Alix Lavaud, ang linguistic attache ng
Embahada ng Pransiya.

Inaasahang ang kaalamang makukuha ng mga kalahok sa panayam ng Mehiko
at Pransiya ay magpapalawak sa kanilang pananaw sa wika at
makatutulong sa pagtataguyod ng kilusan para sa wikang Filipino.
Pawang kahanga-hanga rin ang mga panauhing Filipino. Bubuksan ang
kumperensiya ng kauna-unahang babaeng pangulo ng Unibersidad ng
Pilipinas, si Dr. Emerlinda R. Roman. Tatalakayin naman ng mga iskolar
na sina Dr. Florentino Hornedo at Dr. Ruth Elynia Mabanglo ang tema ng
kumperensiya "Ang Wikang Filipino Bilang Wikang Pandaigdig."
Propesor sa Pamantasang Ateneo de Manila si Dr. Hornedo na eksperto sa
kulturang Filipino, bantog na kritiko, at awtor ng maraming libro,
kabilang ang tungkol sa kulturang Ivatan. Si Dr. Mabanglo ay kilalang
peministang makata at kasalukuyang puno ng programa sa wikang Filipino
sa University of Hawaii.
Sa ikaapat na taon ng Sawikaan, ang librong Sawikaan 2006, antolohiya
ng mga papel sa nakaraang tao, na inedit nina Galileo S. Zafra at Roberto
T. Añonuevo, ay ilulunsad sa tulong ni UP Diliman Chancellor Sergio S.
Cao. Ang mga ilustrasyong ginamit sa libro, magagandang print na likha
ni Pandy Aviado, ay itatanghal sa galeriya katabi ng pulungan.
Napiling mga salita sa taong ito ang "party list," "telenobela," at
"miskol" dahil sa matingkad na epekto ng mga ito sa kamalayan ng
bayan, lalo na sa aspektong politikal at sosyal sa mga Filipino.
Ang iba pang salitang may katulad na halaga at katangian ay "videoke",
"extra-judicial killing," "make-over," "friendster," "safety," at "roro." Roro
ang pinaikling roll on-roll off o ang sistema ng transportasyon sa mga
pulo na inaasahang makapag-ambag sa pambansang ekonomiya.
Mahigit sa limampung salita ang isinumite pero ang siyam lamang ang
pumasa sa pamantayang itinakda ng FIT (Filipinas Institute of
Translation). Para sa taong ito, reserbado ang apat na papel para sa
mga salita mula sa rehiyon, kasama na ang "oragon" ng Bikol at "sutukil" ng Cebu.

Itinaguyod ng National Commission for Culture and the Arts at Blas
Ople Foundation ang Sawikaan 2007, at pinangangasiwaan naman ng
Filipiinas Institute of Translation.

Bukas ang kumperensiya sa mga guro, estudyante, at iba pang interesado
sa wika. Kontakin lamang sina Ms. Eilene Narvaez sa (02) 9244747 o Prop.
Romulo P. Baquiran, Jr. sa (02) 9221830, o sumulat sa Filipinas Institute of Translation,
Rm. 2082, Bulwagang Rizal, College of Arts and Letters, University of
the Philippines, Diliman, Quezon City, o mag-email sa
filipinas.translation@gmail.com.

SAWIKAAN 2007: “Miskol” ang salita ng taon ng 2007


            “Miskol” ang salita ng taon. Nanguna ito sa labing-isang iba pang entri sa Sawikaan 2007: Mga Salita ng Taon, isang kumperensiyang ginanap sa UP Diliman nitong Agosto 2-3, 2007. Pinili ito ng mga iskolar sa wikang Filipino, delagadong guro, at mag-aaral kasama ng pumangalawa at pumangatlong “roro” at “friendster.”

            Nasa ikaapat na taon na ang Sawikaan. Mga nakaraang salita ng taon ang canvass (2003), huweteng (2004), lobat (2005).

            Sinabi ng propesor ng Ateneo de Naga na si Adrian Remodo, ang sumulat ng papel sa miskol, na ang missed call sa New York ay ibang-iba sa miskol ng mga Filipino. Ang missed call ay simpleng di-naasikasong tawag, samantalang nakaugat sa sikolohiyang paramdam ng mga Filipino ang miskol. Ang sandaling tunog ng pagtawag sa cell phone ay nagsasabing “Buhay pa ako. Magparamdam ka naman.”

            Katulad ng “lobat” ng 2005, lumaganap ang miskol dahil sa pagkahumaling ng mga Filipino sa komunikasyong cell phone. Pero inangkin na natin ang bagong teknolohiya at ginamit ito sa ating sariling paraan. Mahalaga ang papel ng wika sa pangkulturang pandarambong na ito. Sinasabi nating “Miskulin mo ako” para mairehistro ang bagong numero, makita ang naiwaglit na cell phone, o ipagyabang ang bago at magandang ringtone.

Naging pangunahin din ang mga kasunod na salitang roro at friendster. Roro ang pinaikling roll on-roll off o ang sistema ng pinagdugtong-dugtong na biyahe sa mga pulo na inaasahang makapag-ambag sa pambansang ekonomiya. Ayon kay Kristian Cordero, ang Bikolanong manunulat, makabuluhan ang roro dahil mahigpit na kaugnay ng kasaysayan ng ating bansang arkipelago at ligid ng dagat. Kaugnay rin ito ng politika dahil itinatampok ng administrasyong Arroyo bilang kampanyang pangkaunlaran. “Magpapaloko ba tayo sa bangkang roro ni Gloria?,” tanong ni Cordero.

            Isa pang penomenong lumaganap sa mga Filipino nitong mga nakaraang taon ang Friendster, ang personal site sa cyberspace na nag-uugnay sa mga magkakaibigan at potensiyal na kaibigan. Orihinal na programang panghanap ng kasintahan, inangkin ito ng mahigit sa 5 milyong Filipino bilang pamalit sa aktuwal na pagkikita at pagsakop sa hadlang ng layo at panahon. Sabi ni Boom Enriquez ng Ateneo de Manila, ang Friendster at iba pang cyperspace interlink ay lumilikha ng “third space” para sa mga pagod na yuppies at iba pa. Maitatanghal sa third space ang tunay o inimbentong identidad para malimutan ang pang-araw-araw at bulgar na realidad.

            Kabilang sa iba pang salitang naging makabuluhan sa Filipino sa nakaraang mga taon ang sutukil (pinaikling sugba-tula-kilaw), videoke, make over, telenobela, extra judicial killing, party list, abrodista, oragon, at safety.

            Naging kapaki-pakinabang din ang talakayan sa Filipino bilang wikang pandaigdig nina Prop. Florentino Hornedo ng Ateneo de Manila University at Ruth Elynia  Mabanglo ng University of hawaii. Gayun din naman ang panayam hinggil sa development ng wikang Mehikano at Pranses nina Ambasador Erendira Araceli Paz Campos at First Secretary Georges-Gaston Feydeau. Maraming natutuhan ang mga delegado sa mga talakaya at inaasahang magagamit nila ito sa pagtataguyod sa Filipino bilang wikang pambansa.

            Ang mga papel na binasa noong nakaraang taon, kabilang ang nagwaging lobat, ay isinaaklat na bilang Sawikaan 2006 (Roberto T. Añonuevo and Galileo Zafra, editors. Quezon City: University of the Philippines Press, 2007) at inilunsad ito sa kumperensiya. Dinaluhan ito ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario, UP Diliman Chancellor Sergio S. Cao at ilustrador/pintor na si Pandi Aviado. Binuksan din nila ang eksibit ng mga ilustrasyong ginamit sa libro na itinanghal naman sa katabing galeriya.

            Itinatampok ng Sawikaan 2007 ang pangunahing papel ng wika kung paano tinitingnan at iniuunawa ng Filipino ang kasalukuyan niyang daigdig. Pinatunayan ito ng listahan ng mga salitang tinalakay sa kumperensiya. Itinaguyod ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Blas Ople Foundation ang Sawikaan 2007, sa pangangasiwa ng Filipinas Institute of Translation (FIT). Naging tagapagtaguyod din ang U.P. President’s Office, U.P. Diliman Chancellor’s Office, at U.P. College of Arts and Letters. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang www.sawikaan.net.

Friday, April 7, 2006

MGA SALITANG LARAWAN NG MUNDO


ni Romulo Baquiran, Jr.

     Nailalarawan ng mga bagong salita ang mga kontemporanyong realidad.  O ang realidad ba ang lumilikha ng mga bagong salita?  Ano’t anuman, magkatalik ang salita at realidad. At natatandaan natin ang mundo—ang ating mundo—sa pamamagitan ng mga popular at mabebentang salita.

     Halimbawa ng mga ganitong salita ang “metrosexual” at “blingbling”.  Ngayon lang nailahok ang mga ito sa bokabularyong Amerikano-Ingles.  Nitong nakalipas na ilang taon, tanging mga propesyonal na lalaking puti lang ang nakakikilala sa metrosexual at mataginting lang ang blingbling sa mga mahilig sa hiphop. Sa mga hindi nakakaalam, ang “metrosexual” ay isang lalaking hindi nababahalang ipagmalaki ang kaniyang pagkahilig sa postura at pananamit. Ang mga “blingbling” naman ay mga nakasisilaw na abubot sa katawan.

     Ganito rin kakulay ang mga bukambibig ng mga Filipino.  Hindi na halos maiwasan ng mga kabataan ngayong budburan ng mga salitang tsika, tsugi, at jolog ang kanilang usapan.  At paano naman ang mga medyo tumatanda na?  Dapat nilang ipagmalaki ang kanilang naimbentong mga walang-kupas na salitang “astig,” “hanep,” at “bangag.”

     Sa isang subkultura muna umiinog ang mga bagong salita bilang ekspresyon ng identidad nito.  Kung mabenta talaga ang salita, kakalat ito. Sa mga bagets nag-umpisa ang tsika noong kalagitnaan ng 80s na ang ibig sabihi’y “maikling pakikipag-usap.” May ganoon pa rin naman itong kahulugan  ngayon pero lumawak ang konotasyon nito at naisama pati ang “mang-aliw,” “hindi pagseryoso sa  isang gawain,” “pagkumbinsi ng isang tao sa pamamagitan ng mga boladas,” “pagiging miyembro ng isang social group,” atbp.

Nakakasakit ka na, Pre!

     Magtampo ka kapag sinabihan kang tsáka, tsápter, o mas masahol pa, tsúgi.  Iba’t ibang anyo lang ang mga ito ng pang-uring pangit.  At ang talagang ibig sabihin ay “Ang pangit-pangit.”  Naaalala mo ba ang sikat na kantang “I Feel For You” noong 1980s?  Si Chaka Khan ang kumanta nito sa MTV.  Tikwas-tikwas  ang  buhok niya, maga ang mga labi, kumikintab ang kaniyang kaitiman at taglay niya ang lahat ng mga katangian ng isang negra, na para sa mga nagkakatuwaang Filipino ay hindi kailanman puwedeng tawaging maganda.  Ito ang etimolohiya ng tsáka.  Binagong ispeling naman ng chapter ang tsápter.  Kapag dumikit sa isang tao ang ganitong bansag, ibig sabihin, wala na siya sa eksena.  Tapos na ang tsápter niya sa isang mahabang salaysay.  Malamang na onomatopeic ang tsúgi dahil kagaya ito sa tunog ng  pagbagsak ng talim sa sangkalan.

     Madalas na nagtatagal ang mga salitang tumutukoy sa isang mahalagang karanasang panlipunan.  May puwang na ang astig (binaligtad na “tigas”) sa ating wika.  Kasinsigasig pa rin ng mga jeproks ang mga kabataan ngayon sa paggamit sa salitang ito. Maging kasinghaba kaya ng buhay ng “baduy” ang “jolog?” O susunod ito sa yapak ng bakya na halos limot na ngayon.

     Sa ngayon, namamayagpag ang ukay sa pang-araw-araw na  buhay ng mga Filipino.  Mula sa mga salitang hukay at halukay, tumutukoy ito sa pamimili  ng mga mayaman at ng mga kapos sa pera ng mura, imported, at pinaglumaang mga gamit.  Pinasikat pa ito lalo ng isang commercial ng sabong panlaba na nagpauso sa eupemistikong bersiyong “Made in UK”.

Paniniktik sa mga salita

     Sa Estados Unidos, ilang dekada nang nagmamasid sa mga salita ang  American Dialect Society (ADS).  Taon-taon, nagkikita-kita ang mga miyembro nito sa isang asamblea para pag-usapan kung ano-anong mga salita mula sa nakaraang taon ang makapaglalarawan sa diwa ng panahon.  Mula sa mahabang listahan, pumipili ang mga miyembro kung alin ang puwedeng lumaban para sa titulong “Word of the Year”.  Nanalo kailan lang ang “metrosexual”, “blingbling”, at “shock and awe”.

     Dahil sa gawaing ito ng ALS, ang Filipinas Institute of Translation (FIT), sa pakikipagtulungan ng UP Institute of Creative Writing, Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at ng Ople Foundation ay naengganyong mag-isponsor ng SAWIKAAN:  Salita ng Taon.  Naganap ang unang forum para sa “Salita ng Taon” noong Agosto 2004.  Nagkaroon muna ng pre-event selection--kinonsulta ang mga eksperto, iskolar, at matuwain sa wika para tukuyin ang mga potensiyal na salita ng taon at ikampanya ang mga ito para mapili.  Popular dapat ang salita ng kalahok at nagpapahayag ng mahahalagang karanasan mula sa nakaraang taon.

Demokrasya at “canvass”

     Sa SAWIKAAN na ginanap noong Agosto 2004 sa Bulwagang Rizal, tinalo ng ‘canvass’ ang 14 pang lahok.  Iprinisinta ni Randy David ng UP Departamento ng Sosyolohiya ang isang papel na nagpapaliwang sa halaga ng canvass sa paggarantiya ng pag-iral ng demokrasya sa bansa.  Ang “úkay-úkay” na sinulat ni Dr. Delfin Tolentino ng UP Baguio ang nanalo ng ikalawang gantimpala samantalang nagsalo sa ikatlong gantimpala ang “tsúgi” ni Dr. Roland Tolentino at “tsíka” ni Ate Glow (Rene Facunla).  Tumanggap ng higit sa P20,000 ang mga nanalo.

     Nasorpresa ang mga estudyante, mga guro, at mga matuwain sa wika sa samutsari at mayamang talakayan tungkol sa mga salitang itinuturing na karaniwan at pangkanto.

     Gaya ng inaasahan, pinakakuwela ang presentasyon ni Vim Nadera.  Pinangatawanan niya ang pagiging aktuwal na representasyon ng mga suki ng úkay, nagsabit siya ng kung ano-anong abubot na nahagilap sa nagkalat na mga tindahang segunda-mano.  Naitampok din ang mga salitang salbakuta, tapsilog, dagdag-bawas, terorista, jolog, at fashionista; ipinaliwanag ang mga ito para sumalamin sa buhay-buhay at panahon, sa sikolohiya, sa politika, at sa pananaw ng mga Filipino.  Ipinapahayag ng mga salitang ito ang diwa at puso ng karaniwang tao.  Nakaisip na ng makabuluhang proyekto ang FIT para itaguyod ang Buwan ng Wika.

     Matagumpay ding naisagawa ang SAWIKAAN 2005. Nagwagi bilang Salita ng Taon ang “huweteng” na sinundan ng “pasawáy” at “tibák/T-bak.”  Inisponsor ito nina Roberto T. Anonuevo, Dr. Patrick Flores, at tambalang Salvador Biglaen at April Jade Imson. Naging interesante rin ang presentasyon sa mga popular  na salitang wire-tapping, caregiver, blog, tsunami, coño, networking, atbp.

    Naghahanda na ang FIT para sa SAWIKAAN 2006: Mga Salita ng Taon.  Hinihimok ang mga iskolar at mga matuwain sa wika na magmasid ng mga potensiyal na salita at magpasa ng mga nominasyon kasama ang isang angkop na sanaysay.  Para sa mga tanong at paraan ng pagsusumite, mangyaring mag-email sa filipinas.translation@gmail.com.

     Ipagpapatuloy ang bagong komponent na idinagdag sa Sawikaan 2005.  Magbibigay ng panayam ang mga iskolar mula sa Espanya at Malaysia ng karanasan ng kani-kanilang bansa sa pagdevelop ng  pambansang wika.

     Malapit nang maisalibro ang mga binasang papel sa Sawikaan 2005. Pinamamatnugutan ito nina Dr. Galileo Zafra at Prop. Michael Coroza at ilalathala ng University of the Philippines Press. Inaaasahang mapapaangat nito ang kamalayan sa halaga ng mga salita sa pamamagitan ng mga talakay ng 12  manunulat na lumahok sa kumperensiya. (Salin mula sa Ingles ni Salvador Biglaen)

SAWIKAAN 2006: “Lobat” ang Salita ng Taon


Matagumpay na idinaos ang Sawikaan 2006 noong 3-4 Agosto 2006 sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.

Itinanghal na salita ng taon ang “lobat” sa Sawikaan 2006: Pambansang Kumperensiya sa Wika at Pagpili ng Salita ng Taon, ang taunang kumperensiya sa wika na itinataguyod ng Filipinas Institute of Translation, National Commission for Culture and the Arts, at ng Blas F. Ople Foundation.

Tumuon ang Sawikaan 2006 sa development ng Filipino bilang pambansang wika at binigyang pansin ang mga bagong salita na naging popular sa kaligirang panlipuna at pangkultura sa nakaraang taon.

Isang artikulong isinulat ni Jelson E. Capilos, propesor sa Ateneo de Manila University, pinili ng mga kalahok sa kumperensiya ang “lobat” na isa sa limang finalist na kinabibilangan ng “botox,” “toxic,” “spa,” at “orocan.”  Nahirang na ikalawa ang “botox” ni Dr. Luis Gatmaitan at ikatlo ang “toxic” ni Michael Andrada na isang instruktor sa UP.

Napili ang “lobat” bilang salita ng taon dahil sa interesante at makabuluhan nitong saliksik, malinaw na presentasyon, at naiibang kongklusyon na ang mga Filipino sa kasalukuyan ay halos katulad na ng cell phone—ang munting makinang simbolo ng modernidad—na nakasalalay sa maliliit na bateryang mabilis maubusan ng enerhiya. Nalolobat ang mga Filipino dahil sa mga kahingiang personal, sosyal, at global.

Isang brand ng toxin ang “botox” na iniiniksiyon sa mukha ng mga kliyente para mawala ang
mga kulubot na palatandaan ng edad. Ito ang naging ikalawang salita ng taon dahil naging popular sa mga Filipinong mahilig magpaganda at may pambayad sa mahal na lason.

Tumutukoy ang “toxic” sa mga oras kung kailan napakaraming natatanggap na tawag ang mga nagtatrabaho sa mga call center. O puwede rin itong paglalarawan sa alinmang nakaiiritang tao, bagay, o karanasan.

“Spa” ang kailangan ng mga taong nakaranas ng “lobat” o “toxic.” Ang “orocan,” ang brand ng mga produktong yari sa plastik, ay nangangahulugan ng pagiging plastik o mapagpanggap.

Ang tanging entri mula sa Mindanao, “kudkod,” ay tawag sa pag-chat sa internet, lalo na ang uring layuning makahanap ng partner sa cyberspace. Kabilang sa iba pang kandidato para sa salita ng taon ang “chacha,” “birdflu,” “meningococcemia,” “karir,” at “payreted.”

Napili naman si Rachelle Joy Rodriguez bilang pinakamahusay na presentor para sa salitang “karir.”

Bukod sa pagpili ng salita ng taon, ginanap din sa Sawikaan ang dalawang mahalagang panayam—una ang kay Dr. Isagani Cruz, dating opisyal ng CHED hinggil sa hindi katanggap-tanggap na patakaran ng administrasyong Arroyo kaugnay ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa edukasyong Filipino; ikalawa ang kay Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario ukol sa kalagayan ng edukasyong Filipino ngayon; at ikatlo ang kay Dr. Ana Isabel Reguillo ng Instituto Cervantes-Manila hinggil sa sitwasayong pangwika ng Espanya.

Nasa ikatlong taon na, isinasagawa ang Sawikaan sa Unibersidad ng Pilipinas at dinaluhan ng mga guro, lingguwista, at mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Angkop na pagdiriwang ito sa Buwan ng Wika.

Thursday, April 7, 2005

THE EXPERIENCE OF CHINA IN DEVELOPING NATIONAL A LANGUAGE

By Prof. Shirley Sy
UP Asian Center

 
(1) Standard Mandarin refers to the official Chinese spoken language used by the People's Republic of China, Taiwan, Malaysia and Singapore.
 (2) In mainland China it is officially known as Putonghua which literally means "ordinary speech", in Taiwan as Guoyu  which means national language, and in Malaysia and Singapore as Huayu meaning "the Chinese language". All three terms are used interchangeably in Chinese communities around the world where different groups have come into contact. Obviously, there are some slight deviations between the Mandarin variants spoken in Beijing, Taiwan, Singapore, and Hong Kong. These include deviations in grammar, vocabulary, stylistic aspects, and loan words. For example, there is a 23% discrepancy in standard pronunciation between the 3,500 most commonly used characters in the 'Xinhua dictionary' of the mainland and the ‘Guoyu dictionary' of Taiwan, but they do not create much confusion.

 (3) The English term Mandarin came from the Portuguese word mandarim  is a translation of the Chinese term Guānhuà (官話), which literally means the language of the mandarins (imperial magistrates). The term Guānhuà is often considered archaic by Chinese speakers of today, though it is used sometimes by linguists as a collective term to refer to all varieties and dialects of Mandarin, not just standard Mandarin. Another term commonly used to refer to all varieties of Mandarin is Běifānghuà or the dialect(s) of the North, which is a large and very diverse group of Chinese dialects spoken across northern and southwestern China inhabited by the prevalent ethnic group, the Hans.

(4)Among the 56 ethnic groups, the Han comprises 91.6% of the total population. Having been dominant in China since the founding of the Chinese Empire, the Mandarin class was completely made up of Han, as was the massive bureaucracy power base in the Chinese Empire, even during the periods when the Hans were not in direct control. The Han civilization originated in the Yellow River Valley and continued to spread through Southern China then into Northern China. The prevalence of Mandarin throughout northern China was largely the result of geography, namely the plains of north China, and their presence in other southeastern cities was mainly due to famine and wars. By contrast, the mountains and rivers of southern China have promoted linguistic diversity which brought about many regional and often mutually unintelligible variants. This group of people used various Mandarin dialects which I like to refer to as “Hanyu” as their home language to distinguish the majority from the various minorities in and around China. In the West, many people are familiar with the fact that the Romance languages all derive from Latin and so have many underlying features in common while being mutually unintelligible. The linguistic evolution of Chinese is similar, while the socio-political context is quite different.

(5) There are seven major Chinese dialects and many subdialects. Mandarin (or Putonghua), which is based on the Beijing Dialect is the predominant dialect and is spoken by over 60% of the population. It is taught in all schools and is the medium of government. Only about two-thirds of the Han ethnic group is native speakers of Mandarin; the rest, concentrated in southwest and southeast China, speak one of the six other major Chinese dialects such as Yue (Cantonese), Wu (Shanghaiese), Min (Hokkien-Taiwanese), Xiang, (Hunanese), Gan, and Hakka dialects. Non-Chinese languages spoken widely by ethnic minorities include Mongolian, Tibetan, Uygur and other Turkic languages (in Xinjiang), and Korean (in the Northeast).

(6) Chinese, together with many tribal languages of South and Southeast Asia, belongs to the family of Sino-Tibetan languages. Besides a core vocabulary and sounds, Chinese and most related languages share features that distinguish them from most Western languages:  there are no alphabets, each word is represented by a character, which may be composed of just one stroke or as many as several dozen, and because there are no alphabets, each character can be read in hundred different ways; they are morphologically monosyllabic, have little inflection, and are tonal. In order to indicate differences in meaning between words similar in sound, tone languages assign to words a distinctive relative pitch - high or low, or a distinctive pitch contour-level, rising, or falling.

 (7) Since ancient history, the Chinese language has always consisted of a wide variety of dialects; hence prestige dialects and lingua francas have always been needed. Confucius, for example, used yǎyán (雅言), or "elegant speech", rather than colloquial regional dialects; text during the Han Dynasty also referred to tōngyǔ (通語), or "common language". Rime books, which were written since the Southern and Northern Dynasties, may also have reflected one or more systems of standard pronunciation during those times. However, all of these standard dialects were probably unknown outside the educated elite; even among the elite, pronunciations may have been very different, as the unifying factor of all Chinese dialects, Classical Chinese, was a written standard, not a spoken one.

 (8). Since the 17th century, the Qing Empire had set up "correct pronunciation institutes" (zhengyin shuyuan) in an attempt to make pronunciation conform to the Beijing standard (Beijing being the capital of Qing), but these attempts had little success, until the last 50 years of the Qing Dynasty, in the late 19th century, when Beijing Mandarin was established as the language of the imperial court. For the general population, although variations of Mandarin were already widely spoken in China then, a single standard of Mandarin did not exist. The non-Mandarin speakers in southern China also continued to use their regional dialects for every aspect of life. The new Beijing Mandarin court standard was thus fairly limited.

 (9) The concept of a national language coalesced around 1910. In 1913, after the establishment of the Chinese republic, the Ministry of Education convened a Commission on the Unification of Pronunciation to establish a standard national tongue that would transcend locality and dialect. Due to the domination of the numerically superior Mandarin-speaking delegates, the Peking dialect was voted for the general foundation of the new national language 'guoyu' (national speech). It embodies the phonology or pronunciation of Beijing minus some pronounced regionalisms of Peking, the grammar of the Mandarin dialects, and the vocabulary of ‘paihua’ or modern vernacular Chinese literature, but features of various local dialects were also incorporated. Moreover, the vocabulary of all Chinese dialects, especially in more technical fields like science, law, and government, has been standardized. In 1956 some years after the establishment of the PROC, Modern Standard Chinese was introduced as part of a broad-sweeping reform to promote literacy and Guoyu was renamed to putonghua (common language) so as not to hurt the sensibility of the other ethnic groups. It became the medium of instruction in all schools nationwide and a policy of promoting its use began.

(10) Realizing that the traditional Chinese writing system hampers China's mass education, some scholars demanded total abolition of the Chinese script and to adopt Esperanto instead, while many Chinese intellectuals launched Chinese romanization movements which aimed to devise a new system of writing based on the Roman alphabet. The principle was to rely on the Roman alphabet as the basis of the new orthography, but with the addition of symbols borrowed from the Cyrillic alphabet or specially created to represent unusual Chinese sounds. One even introduced a whole new syllabic system called Guoyin Zimu "National Pronunciation Letters" later changed to Zhuyin Fuhao "Sound-annotating Symbols". The Zhuyin system better known as (Bopomofo) is still used in Taiwan up to now.  All these measures were intended to adopt one pronunciation as the standard for the whole country, as opposed to writing the dialects separately, in order to promote a ‘unified national language.’ Numerous designs were proposed until 1928, when the Education Ministry of the nationalist government announced the establishment of the standard for Chinese Romanization.

(11) Chinese Romanization refers to the phonetic representation of Chinese language material in the Roman alphabet. Sporadic Romanization of Chinese words started way before the Renaissance, when westerners like Marco Polo came into contact with the Chinese culture and brought back Chinese goods like silk, tea, porcelain, etc. as well as stories about China's people, places and natural wonders.

(12) Phonetic transcription system to record the pronunciation of Chinese characters started in the early 17th century by Jesuit priests like Matteo Ricci (1552-1610, Italian), Nicolas Trigault (1577-1628, French) and others as they came to China to learn the Chinese language and to promote Christianity. Their efforts were later joined by other westerners like Thomas F. Wade and H. A. Giles. This is how the famous Wade-Giles system came about.

 (13) There have been moves to reform the language from as early as the 2nd century BC, but there has been nothing to equal the complexity of the present-day program. The 20th-century movement for language reform in China has resulted in the most ambitious program of language planning the world has ever seen. The program has three aims: (i) to simplify the characters of classical written Chinese, by cutting down on their number, and reducing the number of strokes it takes to write a character in order to carve illiteracy. (ii) to provide a single means of spoken communication throughout the whole of China, by popularizing the Beijing-based variety, which has been chosen as a standard; (iii) to introduce a phonetic alphabet, which would gradually replace the Chinese characters in everyday use, this however, never gained quite as much popularity as the leftist had hoped.

 (14) After several previous attempts to write Chinese using the letters of the Roman alphabet, Pin yin ('phonetic spelling') was finally adopted in 1958. This system main aims are to facilitate the spread of Putonghua and the learning of Chinese characters. Pin-yin is now in widespread use. In the 1970s, for example, a new map of China was published using pinyin, and a list of standard spellings for Chinese placename was compiled. New codes were devised for such diverse uses as telegraphy, flag signals, Braille, and deaf finger-spelling.

(15) Most Chinese who sought to achieve national unity through uniformity in the script considered that it was only the ideographs which should be used to bind together all the millions of people in China. In the opinion of Ch`en Kuo-fu, one of the principal leaders of the Kuomintang who thought that "China's ability to achieve unity is entirely dependent on having a unified written language," it was wrong for Chinese to use a Western script even for signing their names.

(16) But all these disparate views on linguistic unification expressed differences more of means than of ends. The disagreement as to means went no further than debate on the relative merits of the National Phonetic Alphabet, the National Language Romanization, the interdialectical romanization, the ideographic script, and the innumerable minor variations on these forms of writing. The more important agreement as to ends revealed itself in the emphasis on the necessity for achieving linguistic unity. The latter was part of the wider tendency among the dominant political and intellectual circles of China -- originating in the period of the empire and growing in strength after the establishment of the republic -- in the direction of a kind of integral nationalism. Their goal might be summarized by the formula one state, one people, one language.

(17) From the earliest pictographic symbols carved on turtle bones to the current simplified scripts, Chinese characters have been in existence for over 4000 years. As one of the world's oldest writings still in use, Chinese characters represent pronunciation, form and meaning all in one, demonstrating richness and profundity of Chinese culture. But can this oneness survive the challenges of modern technology?

(18) The world's foremost linguists and sinologists, including Bernard Karlgren of Sweden and Zhao Yuanren of China, predicted that Chinese characters couldn’t be alphabetized without losing meaning and creating cultural discontinuity. In other words, it is not possible to render Chinese characters into a purely phonetic alphabet. It's too much like attempting to build a Golden Gate Bridge from San Francisco to Shanghai over the Pacific Ocean. Then, can we really bridge over this language barrier? Yes, but a different strategy is needed: Transform the square Chinese characters into a linear computer-compatible script like English.

(19) In 1873, American inventor Sholes received a patent for the Remington typewriter. This American invention left China behind with her pen & brush. In the last 100 years, countless inventors attempted to adapt the Chinese ideographic script into a similar typewriter. None have really succeeded. In the computer world, Chinese script has found its place in the age of computers. There are many methods that allow Chinese script to be typed on the computer, either by shape, pronunciation or both. New technology, such as handwriting and voice input, facilitate and speed up the input of Chinese characters. This four thousand year old script has indeed found a bubbling new life in modern technology, unlike some of its descendents who once upon a time almost threw it away to be totally forgotten, Chinese script has vowed to stay on solid ground and make itself more accessible to anybody willing to let it in into their lives.

(20) The popularization of the users’ friendly pinyin coupled with modern teaching techniques and with the aid of technology, has made Chinese language learning more interesting, less intimidating and is now gaining unprecedented popularity, much to the delight of this sleeping lion as it wakes from its long slumber, roaring perhaps not for ferocity display, but to resonate with the rest of the world the cry for peace, friendship and progress as evidently shown in its Olympic slogan for 2008 which is “one world, one dream!”

The Experience of Russia in Developing a National Language

By V.F.Malyshev
Minister-Counsellor, Embassy of Russia

 
Introduction

Some expert say, there are up to 10.000 different languages left in the world; others put the estimate at thousands lower, depending on how many are characterized as dialects of another language. Every two weeks or so the last elderly man or woman with full command of a particular language dies. At that rate, as many as 2.500 native tongues will disappear forever by 2100.

This is the present day situation in the world. A language is a living creature, and as any living creature it lives and dies. Languages live with a society, serve the society, change and develop with the society and die with or within the society. Languages live as long as they are used by the society and individuals of that society, and die with the society or when they are rejected.

Some, very few, languages have become world-wide accepted as international tools of communication – the languages of international society. Mostly because of historical reasons, due to the expansion of the societies-nations-states that brought their mother tongues to other less developed and more dependent societies-nations-states. In some cases these languages were imposed on them for the benefit of colonial administration, in some cases these languages were gratefully accepted by recipient societies as sort of “humanitarian aid” that spurred their own cultural development. Today we have six languages formally reconfirmed as world languages – the official languages of the United Nations. Russian language is among the six, and as a Russian I am proud of it.

The present day situation with the Russian language

To have a full-size picture of the situation with the Russian language nowadays we must take into consideration three levels or three scales of its presence on the world: inside the boundaries of the Russian Federation, on the territories of the newly independent states, which formerly were the national republics of the Soviet Union (USSR), and in other countries of the world.

Starting with the largest circle and going into the center we will have the following. Sizeable Russian-speaking communities exist in North America (especially in large urban centers of the US and Canada such as New York, Los Angeles, San Francisco, Toronto, Miami, and Chicago). In the first two of them, Russian-speaking groups total over half a million. In a number of locations they issue their own newspapers, live in their self-sufficient neighborhoods (especially the generation of immigrants who started arriving in the early sixties). It is important to note, however, that only about a quarter of them are ethnic Russians. Before the dissolution of the Soviet Union the overwhelming majority were Russian-speaking Jews. Afterwards the influx from the countries of the former Soviet Union changed the statistics somewhat. According to the United States 2000 Census, Russian was reported as language spoken at home by 1.50% of population, or about 4.2 mln, placing it as #10 language in the United States.

Russian is also spoken in Israel by at least 750,000 ethnic Jewish immigrants from the former Soviet Union (1999 census). The Israeli press and websites regularly publish material in Russian. For have a century by now generations of young Africans used the grants provided by the government of the Soviet Union, and now Russia, to get higher education in Russian universities and master Russian language.

Significant Russian-speaking groups also exist in Western Europe. These have been fed by several waves of immigrants since the beginning of the twentieth century, each with its own flavour of language. Germany, Britain, Spain, France, Italy, Belgium, and Greece have significant Russian-speaking communities totaling 3 million people. Two thirds of them are actually Russian-speaking descendants of Germans, Greeks, Jews, Armenians, or Ukrainians who either repatriated after the USSR collapsed or are just looking for temporary employment. But many are well-off Russian families acquiring property and getting education.

Sizable Russian-speaking communities existed even in China, up to now Russian is well-known language in the North-East region of the country. In nineteeen-fifties Russian was widely taught in the chinese schools due to the “socialist bonds” between the two countries. In Mongolia mastership of Russian language was a gate to brighter future and till now every educated citizen of this country speaks perfect Russian. The same was characteristic for the countries of East Europe - the members of the old Warsaw Pact and in other countries that used to be satellites of the USSR, especially in Poland, Bulgaria, Yugoslavia, and Czechoslovakia. However, younger generations are usually not fluent in it, because Russian is no longer mandatory in the school system.

As to the countries that used to be part of the USSR and before that – of the  csarist Russia. Until 1917, Russian was the sole official language of the Russian Empire. During the Soviet period, the policy toward the languages of the various other ethnic groups fluctuated in practice. Though each of the constituent republics had its own official language, the unifying role and superior status was reserved for Russian. Following the break-up of 1991, several of the newly independent states have encouraged their native languages, which has partly reversed the privileged status of Russian, though its role as the language of post-Soviet national intercourse throughout the region has continued. In Latvia, notably, its official recognition and legality in the classroom have been a topic of considerable debate in a country where more than third of the population is Russian-speaking, consisting mostly of post-World War II immigrants from Russia and other parts of the former USSR (Belarus, Ukraine). Similarly, in Estonia, the Soviet-era immigrants and their Russian-speaking descendants constitute about one quarter of the country's current population. A much smaller Russian-speaking minority in Lithuania has largely been assimilated during the decade of independence and currently represent less than 1/10 of the country's overall population. Russian is the official language of Belarus, Kazakhstan, Kyrgyzstan, the Autonomous Republic of Crimea (Ukraine) and Transdniestria region of  Moldova. Education in Russian is still a popular choice for many of the both native and RSL (Russian as a second language) speakers in many of the former Soviet republics. 75% of the public school students in Belarus, 41% in Kazakhstan, 24% in Ukraine, 23% in Kyrgyzstan, 21% in Moldova, 7% in Azerbaijan, 5% in Georgia received their education only or mostly in Russian, although the corresponding percentage of ethnic Russians was 10% in Belarus, 27% in Kazakhstan, 17% in Ukraine, 9% in Kyrgyzstan, 10% in Moldova, 1% in Azerbaijan, 1% in Georgia.


Recent estimates of the total number of speakers of Russian:
Source
Native speakers
Native Rank
Total speakers
Total rank
G. Weber, "Top Languages",
Language Monthly, 3: 12-18, 1997, ISSN 1369-9733
160,000,000
7
285,000,000
4
SIL Ethnologue
167,000,000
7
277,000,000
5
 And now we shall focus on to Russia itself. 


Russian language as state language and other national languages in the Federal Republic of Russia

The Russian Federation is home to as many as 160 different ethnic groups and indigenous peoples. As of the 2002 census, 79.8% of the population is ethnically Russian, 3.8% Tatar, 2% Ukrainian, 1.2% Bashkir, 1.1% Chuvash, 0.9% Chechen, 0.8% Armenian, and the remaining 10.3% includes those who did not specify their ethnicity as well as (in alphabetical order) Avars, Azerbaijanis, Belarusians, Chinese, Evenks, Georgians, Germans, Ingushes, Inuit, Kalmyks, Karelians, Kazakhs, Koreans, Maris, Mordvins, Nenetses, Ossetians, Poles, Tuvans, Udmurts, Yakuts, and others. There are 21 republics within the federation that enjoy a high degree of autonomy on most issues and these correspond to some of Russia's ethnic minorities.

104 languages are currently spoken on the territory of the Russian Federation. Russian language is the only official state language, but the individual republics have often made their native language co-official next to Russian (see the appendix). The origins of Russian language go back to the 6th century. Growing with the history of the society, the nation and the state it developed through the Kievan period (9th-11th centuries), Feudal breakup (12th-14th centuries),  the Moscovite period (15th-17th centuries), Empire (18th-19th centuries), Soviet period and beyond (20th-21st centuries). In the mid 1800’s Standard Russian based on the Moscow dialect became the official language. But it should be pointed out that the difference between the language of Kievan Rus' and Modern Russian is not so great as to make impossible comprehension of the 11th-century texts by an educated Russian. This difference is much smaller than, say, the enormous gap between Old English and Modern English. This backbone feature of Russian language contributed greatly to the survival of the language through ages and the acquisition of the position of the dominant language on the vast territory of Russia, the common official language throughout the Russian Federation understood by 99% of its current inhabitants. With the expansion of the Russian state the language served the governors as a powerful tool to administer and unite the numerous ethnic groups  and provide access to literary and scientific materials not available in minority languages.

That is why it is not a question of domestic policy to support and promote Russian as a national language on the territory of the Russian Federation – on the contrary, past several decades it was the policy of the Soviet and then the Russian state to protect and support languages of national minorities and ethnic groups (but it has become an issue for the foreign policy of Russian to protect the rights of ethnic Russians and those who consider Russian as their mother tongue against the suppressive and discriminate actions of authorities in some former Soviet republics). The Russian legal system, first of all the Constitution, declares and provides that every citizen has the right to determine and state his national identity, use his native language and his language of communication, education, training and creative work. Each of the 21 republics has the right to institute its own State Language (see appendix). At present 14 out of 21 national republics have issued Decrees on Language. The Republics of Kalmykia, of Tatarstan, of Chuvashia, Sakha and several republics in the Northern Caucasus have produced their proper programs pertaining to the preservation and development of their national language. The linguistic policy of the central government of the Russian Federation is based on three fundamental principles: the preservation of Russian as the common language of the Federation; the support and development of minority languages; the three-tier system of language treatment – those of the nations of Russia, the national minorities of Russia and the indigenous communities of Russia. The educational system is built up accordingly to this policy. Languages of minorities are taught at primary and secondary schools in all the autonomous republic irrespective of the status of the language. The national languages are taught in the pertaining republics and other regions with dense population of that nationality. Financing the education from both federal and local budgets provides for further development of institutions of all educational levels in reference to the local language particularities. Russian language remains the language of state administration, of judicial procedures (every citizen has the right to be provided with proper translation into his mother language) and of the armed forces, of the scientific communities.

Conclusion
A small subplot in Arthur C. Clarke's novelization of 2010 concerned the crew of a Russo-American spaceship, who attempted to break down boredom with a “Stamp Out Russlish!!” campaign. As the story went, both crews were fully fluent in each other's languages, to the point that they found themselves crossing over languages in mid-conversation, or even simply speaking the other language even when there was no-one who had it as their native tongue present. This is a very smart picture of the interaction of languages and people. It depicts the major trend of linguistic development of the human race  - free from national, political and material prejudices it naturally tends to be what it “au fond”, as the French say, is to be – a most comfortable and enriching tool of communication. In the future, when the status of a nationality will not have to be proved through the status of its language and the sense of a nationality will not have an acute political sense, when the globalisation processes will bring together people from all parts of the world, as Internet communication is doing right now, we will witness, perhaps, the emergence of a new world language, a fusion of present languages, accepted and used by all the people of the globe. But in the meantime the natural way of development is: one language unites people, unites a society, a nation, a state and does not exclude the right for existence and flourishing of other languages present.

SAWIKAAN 2005


Ginanap naman ang Sawikaan 2005 noong Agosto 4-5, 2005. Dalawang araw na idinaos ang Sawikaan sa taong ito. Ang unang araw ay tinampukan ng talakayan tungkol sa papel ng midya sa pagpapalaganap ng modernong Filipino at tungkol sa karanasan ng ilang piling bansa sa pagpapaunlad ng kanilang wika. Ang mga tagapagsalita sa unang paksa ay ang beteranong komentarista sa radyo na si Dely Magpayo ng DZRH, ang news director na si Jim Libiran ng ABC 5, at  ang editor na si Ariel Dim. Borlongan ng Balita. Tinalakay naman ni Vladimir F. Malyshev ng Embahada ng Russian Federation ang karanasang Ruso sa wika (The Experience of Russia in Developing a National Language) at ni Prop. Shirley Sy ng UP Asian Center ang karanasan sa Tsina (The Experience of China in Developing a National Language).

Ginanap naman ang pamimili ng salita ng taon sa ikalawang araw. Labindalawa (12) ang nominadong salita sa 2005: blog  ni Vladimeir Gonzales; huwéteng ni Roberto Añonuevo; e-vat ni Leuterio Nicolas; gandára ni Winton Lou Ynion; caregiver ni James Kenneth Sindayen;  call center ni Silvestre Jay Pascual III;  pasawáy ni Patrick Flores; networking ni Jelson Estrella Capilos; wiretapping ni Yolado Jamendang Jr.; coño ni Sharlene Valencia;  tibák/t-back nina April Imson at Salvador Biglaen, Jr.; at  tsunami  ni Michael Francis Andrada.

Bahagyang binago ang proseso ng pagpili sa taong ito. Sa halip na tatlo, lima ang piniling finalist. Ang limang ito ay ang e-vat, gandára, huwéteng, pasawáy, at tibák/t-back. Sa pagtatapos, hinirang na Salita ng Taon ang huwéteng na sinundan ng pasawáy at ng tibák/t-back. Nagkaloob din ng espesyal na premyo para sa pinakamahusay na paraan ng presentasyon na nakamit ng nagtaguyod ng salitang e-vat.

Nagkamit ng gantimpalang P7,500 ang Salita ng Taon;  P5,000 ang ikalawa; at P3,000 ang ikatlo. Ang pinakamahusay na presentasyon ay may gantimpalang P1,500 at ang iba pang hindi nagwagi ay tumanggap din ng P1,500. Kaloob ng Blas F. Ople Foundation ang mga salaping gantimpala.

Sa huling bahagi ng programa, inilunsad ang aklat na Sawikaan 2004, Mga Salita ng Taon na tumatalakay sa mga salitang iniharap ng taong iyon. Limbag ito ng University of the Philippines Press.

Wednesday, April 7, 2004

SAWIKAAN 2004: Canvass


ni Randy David

Hindi lamang dahil nagkaroon tayo ng eleksiyon nitong 2004 kundi dahil naging malawak ang papel ng “dagdag-bawas” sa nakaraang eleksiyon, kung kaya ang salitang canvass, para sa akin, ang pinakamainit na salita sa taong ito.

Mas kilala ito ng mga Filipino na may isang “s” lamang. Sa ganitong anyo, tumutukoy ito sa isang uri ng magaspang na tela na ginagamit bilang trapal na panakip, o kambas para sa isang ipinipintang larawan.

Hindi natin alam kung ang canvass na may dalawang “s” ay may koneksiyon din sa magaspang na tela, subalit kung ang pagbabatayan ay ang kasalukuyan nitong gamit sa politikang Pinoy, tila kagaspangan din ang ipinahihiwatig nito.

Bukas sa sari-saring gamit ang salitang canvass na may dalawang “s”. Kung ika’y may binibili, mas mabuting mag-canvass ka muna upang makatiyak na ang mabibili mo ay ang pinakamahusay sa pinakamababang presyo.

Pagka-canvass din ang tawag sa pag-aalok ng isang produkto o serbisyo sa mga mamimili o kliyente. Halimbawa: Sinasabi ni Keanna Reeves, ang seksing aktres na dating nagtrabaho bilang “escort girl,” na siya raw ay nakapagcanvass na sa Kongreso.

Sa larangan ng politika, may dalawang tampok na kahulugan ang salitang canvass. Canvass ang tawag sa pangangampanya ng isang kandidato o ang pag-akit at paghingi ng mga boto. Ngunit ang pinakalaganap na kahulugan ng canvass sa eleksiyon ay masusing pagkilatis ng mga dokumentong naglalaman ng resulta ng eleksiyon. Sa ganitong gamit, ang kaugnay na salitang dating naririnig sa panahon ng eleksiyon, ayon kay Dr. Bienvenido Lumbera, ay “iskrutinyo” (scrutiny).

Kapag ang isang mamimili ay nagka-canvass ng mga bilihin, hindi lamang ang presyo ang kaniyang sinisiyasat kundi ang kalidad at kaangkupan nito sa mga espesipikasyong kaniyang hawak. Dapat lamang asahan, kung gayon, na ang masinsinang pagkilatis ay lalo pang bahagi ng proseso ng canvassing sa eleksiyon. Wala akong intensiyon na itakda ang buod ng salitang ito, sapagkat sang-ayon ako sa sinabi ni Wittgenstein na ang kahulugan ng isang salita ay nasa gamit nito. Gayunman, mainam na balikan ang iba’t ibang kahulugan nito upang ating maunawaan ang mga kontradiksiyon ng ating buhay politika.

Sa kasalukuyang takbo ng ating politika, mapapansin ang unti-unting paglalaho ng isang kahulugan ng canvass na dati nang bahagi ng lumang gamit nito: ang masusing pagsisiyasat at pagtatalo ukol sa katotohanan ng mga dokumento ng botohan. Ang kahulugang pumalit at nangibabaw ay pagsusuma, pagtatala, o paghahanay ng mga boto, na dati nang wala sa mga kahulugan ng salitang ito.

Nitong nakaraang eleksiyon, pagkatapos tingnan kung kompleto ang mga pirma at kung malinaw ang pagkakasulat ng mga resulta sa “certificates of canvass,” isa sa mga miyembro ng Congressional o National Canvassing Committee ay nagsabing, “I move to canvass.” Malinaw sa ganitong gamit na ang katumbas ng salitang canvass para sa kanila ay pag-tabulate o pagsusuma.

Sa pananaw ng Kongreso, ang canvassing ay “ministerial” na gawain lamang—isang mekanikal o administratibong gampanin na hindi kailangang pag-aksayahan ng panahon. Ministerial nga marahil ito—maaaring ipagkatiwala sa isang abang clerk o calculator kung ang tinutukoy ay paglilista lamang ng mga bilang. Ngunit ang pagtiyak kung ano ang nararapat isama sa huling bilang ay hindi gawaing mekanikal. Nagpapahiwatig ito ng masusing inspeksiyon at pagpapasiya ukol sa katotohanan ng mga dokumento.

Canvassing, kung gayon, ang tawag sa proseso ng maingat na pagsiyasat sa dokumento upang matiyak na ito nga’y tunay. Canvassing din ang tawag sa talakayang nagaganap bilang bahagi ng pagtatasa sa katunayan ng mga dokumento. Ang kahulugang ito, na tuluyan nang nawawala, ay may mga bakas pang naiwan sa ating mga batas. Makikita ito sa mga salitang “authenticity” at “due execution” na parehong binabanggit kaugnay ng proseso ng canvassing. Sa canvassing na naganap nitong nakaraang eleksiyon, nauwi ang prosesong ito sa botohan sa loob ng komiteng nagsagawa ng canvass. Iniwasan ang pagbubukas ng mga resultang galing sa mga presinto na dapat sana’y magpapatunay sa nilalaman ng mga municipal, provincial, at city certificates of canvass. Ang bawat pagtutol o pagpuna sa ayos ng mga certificates of canvass ay binara ng isang maikling “noted” ng tagapangulo ng komite. Binigyang-pansin subalit di sineryoso. Hindi raw ito, anang mayorya, ang tamang forum para magsiyasat ng dokumento.

Sa ating panahon, kung gayon, maaari kang manalo sa botohan at matalo sa canvassing. Hindi ito ang lugar para ipaliwanag kung paanong nangyari ito. Sapat nang sabihin na dumating na nga tayo marahil sa panahong tinutukoy ni Jean Baudrillard: “The era of simulation is inaugurated by a liquidation of all referentials.” Pinasisinayaan ang pagkukunwa sa pamamagitan ng paglipol sa mga sanggunian. Bilang kongklusyon, ang aking masasabi ay: Wala tayong nahalal na pangulo nitong nakaraang eleksiyon. Mayroon tayong presidenteng nailusot sa mga butas ng magaspang na canvas(s).

SAWIKAAN 2004: Terorista at Terorismo


ni Leuterio C. Nicolas

Masasabing isang malaking himala kapag ang mga salitang terorista o terorismo ay hindi nabanggit sa bawat araw na daraan sa ating buhay. Basahin natin ang mga diyaryo. Pakinggan natin ang mga radyo. Panoorin ang mga balita sa telebisyon. At tunghayan maging ang mga balita sa Internet.

Pero ang totoo, talagang matagal-tagal nang panahon na paulit-ulit nating naririnig ang mga salitang ito. Kahit noon pang panahon ng nakaraang diktadura, ang mga salitang ito ay malimit nang itambal ng pamahalaan sa mga pangalang Moro, Muslim, at NPA. Kaya noon pa ay mayroon na tayong Moro o Muslim terrorists, at NPA terrorists. Ganoon sila kung tawagin ng mga kontroladong midya ng gobyerno noon.

“Mga terorista! Mga manliligalig! Mga kaaway ng lipunan!” At naging kasingkahulugan nga ng salitang terorista ang “mga pasimuno sa paghasik ng lagim at kaguluhan.” Sa paglipas ng panahon, lalong naging mas bukambibig ang mga salitang terorista at terorismo. Ito’y pagkatapos ng sunod-sunod na pambobomba na naging sanhi ng pagkasugat at pagkamatay ng maraming tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito’y pagkatapos din ng di-mabilang na pagdukot at pagpatay hindi lamang sa mga prominenteng tao kundi maging ng mga inosenteng sibilyan.

At dito sa Filipinas, ang giyera at kaguluhan sa Mindanaw, sampu ng hostage-taking sa mga dayuhang kinabibilangan ng mag-asawang Burnham, ay ikinakawing sa mga terorista partikular sa grupong Abu Sayaf, na kasama diumano ng mga MILF, at iniuugnay rin sa mga dayong Jamaya Islamiyah at Al Qaeda.

Nang pasabugin ng mga hijacker, sa pamamagitan ng inagaw na mga pampasaherong eroplano, ang kambal na gusali ng World Trade Center noong Setyembre 11, 2001 na ikinamatay ng libo-libong mga sibilyan, nakita ng buong mundo na hindi biro ang implikasyon ng tinatawag na terorismo. Sangkot dito diumano si Osama bin Laden, Sadam Hussein, Jamayah Islamiyah at Al Qaeda, at marami pang iba.

Hanggang ang Estados Unidos ay maglabas ng talaan ng MGA TERORISTA AT TERORISTANG ORGANISASYON AT BANSA SA DAIGDIG. Inampon naman ng European Union ang listahang ito. Kaya base sa pakahulugan ng Estados Unidos, ibinibilang na mga terorista ang mga indibidwal na tulad ni Osama bin Laden, Sadam Hussein, Muamar Khadaffy, Jose Maria Sison at iba pa. at ng mga grupo at organisasyong gaya ng Abu Sayaf ng Filipinas, Jamayah Islamiyah at Al Qaeda. Kabilang din dito ang National Democratic Front (NDF), Communist Party of the Philippines at New People’s Army (NPA), habang binansagan bilang mga “teroristang”  bansa ang Hilagang Korea, Palestine, Iran, Syria, Afganistan, Iraq at Lybia. Subalit hanggang sa ngayon, hindi pa rin maliwanag sa marami sa ating mga Filipino kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito.

Pero ano-ano nga ba ang kanilang ipinakakahulugan sa mga salitang terorista at terorismo? Sa Sentinyal Edisyon ng Diksyunaryo ng Wikang Filipino, ang terorista ay nangangahulugan ng “taong nananakot, nanggugulo, pumapatay dahil sa galit sa nakatatag na pamahalaan.” Samantalang sa Collins Webster Contemporary English Dictionary, ito ay “systematic use of violence and intimidation to achieve some goal.” Ayon naman sa Estados Unidos, batay sa Title 22, Section F (d) ng US Code, ang “terrorism” ay “pre-meditated politically initiated violence, perpetuated against noncombatant targets by sub-national groups or clandestine agents, usually intended to influence an audience”. At dito naman sa Filipinas, sa Section 3, (3) ng panukalang batas na Anti-Terrorism Act of 2003 kung saan ay kasamang may-akda si Cong. Imee Marcos, kabilang sa mga kahulugan ng terorismo ay “threatening to cause serious interference with, or actually causing disruption of a public transport or utility or an essential service, facility or system, whether public or private, except in the furtherance of a legitimate protest, grievance or advocacy.”

Ngunit may pagtingin ang mga progresibong grupo, kabilang si Atty. Jayson Lamchek ng Public Interest Law Center, na ang salitang terorismo at terorista ay simpleng ipinapakahulugan ng Amerika sa sinumang indibidwal, grupo at bansang tuwirang kumakalaban sa kaniyang mga patakaran at sumasalungat sa kaniyang mga interes. Ang Filipinas ay di maitatatwang isang nakapamasunuring “alalay” ng Amerika kaya hindi tayo kabilang sa binansagang “teroristang” bansa bagaman at sinasabi ng Amerika na dito sa atin nagsasanay at naglulungga ang maraming terorista.

Pero talagang nakagugulo at talagang nakakalito pa rin. Halimbawa, ano ba ang kaibahan ng terorismo sa mga lehitimong protesta ng mamamayan? Terorismo ba ang Welgang Bayan na kalimitang may kasamang mga pagbabarikada at pagparalisa sa transportasyon at mga pampublikong serbisyo at pasilidad? (Ito’y kung pagbabatayan ang panukalang Anti-Terrorism Bill.)

Ano ba ang kaibahan ng samahang terorista sa mga kilusang rebolusyonaryo? Ano nga ba ang dapat itawag sa mga Arabong dumukot kay Angelo dela Cruz? Hindi ba’t militante kung tawagin sila ng ating gobyerno sa panahon ng negosasyon sa kaniyang pagpapalaya habang terorista naman kung tawagin sila ng mga kasapi ng Coalition of the Willing? O magkasingkahukugan na ang mga salitang militante at terorista? (Pero kung terorista kaya ang katawagang ginamit ng pamahalaan sa panahon ng pakikipagnegosasyon sa mga bumihag kay Angelo dela Cruz, palalayain pa rin kaya si Angelo at hindi pupugutan ng ulo?)

Bakit hindi terorista ang itawag sa mga nagmasaker sa mga magsasakang nagrali noon sa Mendiola? Bakit hindi rin terorista ang itawag sa mga nananakot, nandurukot, at pumapatay sa mga kasapi at pinuno ng mga cause-oriented group, labor union, at mga party list sa ating bansa?

Ano ang puwedeng itawag sa mga sundalong Amerikanong nagmasaker sa Balanggiga, Samar at pumatay sa libo-libong sibilyang Filipino noong unang bahagi ng nakaraang siglo, ayon sa ating kasaysayan?

Ano ang dapat itawag sa bansang naghulog ng bomba atomika noong buwan ng Agosto 1945 sa Hiroshima at Nagasaki, Japan na pumatay ng daan-daan libong sibilyang Hapones?

Ano ang dapat itawag sa bansang ito na hanggang ngayon ay may pinakamalaking stockpile ng sandatang nukleyar sa buong daigdig na sa isang iglap lamang ay kayang gunawin ang ating planeta?

Ano ang dapat itawag sa bansang ito na sa ngalan kuno ng kontra-terorismo, pagsagip sa demokrasya at kalayaan, o paghanap sa Weapons of Mass Destruction (WMD) ay basta na lamang lulusob, papatay, mananakop, at manghihimasok sa maliliit at mahihinang bansa gaya ng Afganistan at Iraq?

Ano ang dapat itawag sa bansang lumusob at pumatay ng 4.5 milyong Koreano at 6 na milyong Biyetnames dahil lamang sa giyera ng kontra-komunismo?

Ano ang dapat itawag sa mga opisyal at sundalong Amerikano na nagpapahirap ng mga bihag sa kulungan sa Al Greib sa Iraq? Ano rin ang dapat itawag sa mga opisyal sa kulungan ng Guantanamo Bay na sang-ayon sa mga dating bilanggong British ay sistematiko raw na nagto-torture sa mga bilanggong tulad nila?

Ano nga ba talaga ang terorismo? Sino nga ba talaga ang mga terorista?

Kung naimbento na sa Pilipinas noong unang panahon ang salitang terorista, hindi bandido o magnanakaw ng kalabaw ang itatawag kay Macario Sakay at sa mga Katipunerong patuloy na lumalaban sa mga dayuhang mananakop.

Tatawagin silang mga terorista!

Kaya sa aking palagay, hindi lang talaga dapat tawaging mga Salita ng Taon terorista at terorismo. Ang mga salitang ito ay tunay na mga kontrobersiyal na talinghaga at palaisipan ng taon.

SAWIKAAN 2004: Dagdag-Bawas


Ni Romulo P. Baquiran, Jr.

Sinasabi na pinadadaloy ng matematika ang mundo. Lahat ng kilos natin, sa totoo lamang, ay nakabatay sa prinsipyo ng matematika. Kasama sa kakayahan ng sibilisadong tao ang kakayahang magbilang nang tama, makakita ng kaugnayan ng bahagi sa kabuuan, at makakita ng padron sa mga pangyayaring naoobserbahan sa paligid. Samakatwid, mahalaga ang matematika upang maunawaan ang daloy at kalikasan ng mundo. Kasama na rito ang pag-unawa sa lipunan.

Nais ng tao na marating sa at mapanatili ang kaayusan. Dito nakabatay ang kaniyang lipunan. Kapag nakakita siya ng anomalya at hindi niya ito makompone, nagugulo ang kaniyang konsepto ng kaayusan at kagandahang-asal.

Kapag may dagdag-bawas a inaasahang normal, hindi siya mapakali. Alam niyang may mali. Saan mang larang ng kaniyang buhay kapag nangyari ito, dapat na may gawin siya para maiwasto ang lumilihis na mundo.

Ang eleksiyon na pangunahing ekspresyon ng demokratikong lipunan ay itinuturing na sagrado. Sa pamamagitan ng eleksiyon ay naipapahayag at naririnig ang boses ng bayan. Dito niya naipapaalam ang kaniyang pagpapasiya kung sino ang kakatawan sa kaniyang pampolitikang kapangyarihan at karapatan, kung sino ang magsasakatupran sa kaniyang kontribusyon sa pagpapadaloy ng lipunan.

At sa sektor ng mga kasangkot sa politika, alam nilang ang eleksiyon ang instrumento upang makapaglingkod sa bayan. O kaya ay magkamit ng kapangyarihan. At gagawin ng may ambisyon ang lahat para makuha ang kapangyarihang ito.

Sa eleksiyon ng mga senador, malas ng kandidatong mapupunta sa ikalabintatlong puwesto. Kasi labindalawa lamang ang kasama sa magic circle. Kapag panlabintatlo ka,

tsugi ka. Noong 1995 senatorial elections, si Aquilino Pimentel ang panlabintatlo. Panlabindalawa si Juan Ponce Enrile. Nagreklamo si Pimentel na biktima siya ng sistemang dagdag-bawas. Batay sa matematika, biktima siya ng bawas.

Pero siyempre, kailangan ng ebidensiya. Ito ang mahirap hanapin at patunayan. Sino ba ang gustong mahuli sa pandaraya? Wala. Sino ang gustong mahuli ang mandaraya? Pangunahin na iyong nadaya. At sa prinsipyo ng extension, higit na nadaya ang mga mamamayang bumoto sa karapat-dapat na kandidato.

Sabwatan ang nangyayari sa dagdag-bawas. May badyet na malaki para sa mga opisyal ng Comelec na makikipagkutsabahan sa mayamang politiko. Milyon ang usapan. Sa rehistrasyon pa lamang ay pinapalamanan na ng kasangkot na opisyal ang bilang ng botante. Inilalagay sa listahan ang mga yumao na at ang mga wala sa gulang para bumoto. Nagbabayad ng mga flying voter at double registrant para dumami ang bilang ng tao sa isang distrito. Dagdag iyan. Sa araw naman ng eleksiyon, marami ang nadidisenfranchise. Bawas iyan. Tapos, magbabayad ng mga maton para manggulo sa araw ng bilangan na balota. Kapag nagtakbuhan ang mga tao, pasok naman ang magdodoktor sa certificate of canvass. Ang gulo. Ito ang politika sa Filipinas at parang karaniwan na para sa maraming Filipino.

Sa pagtutuos, 2.5 porsiyento ang bilis ng ating pagdami ng populasyon. Pero may mga distrito sa Mindanao na lumalaki nang hanggang 70 porsiyento ang dami ng populasyon. Kaya madaling makita ang mga distritong may nangyayaring dayaan. Kailangan lamang ihambing ang mga registered voter at dami ng boto sa CoCs (certificate of canvass) para makita ang mga di-pagtutugma.

Pero sa dinami-dami ng mga kaso ng dagdag-bawas na isinampa sa korte, isa lamang ang napatunayang totoong nangyari. Ito ang kaso ng isang canvasser sa Pangasinan na nahuling nagbawas ng 5,000 boto mula sa nakuha ni Senador Aquilino Pimentel noong 1995. Nasentensiyahan siya ng anim na taong pagkabilanggo noong 2000, limang taon pagkaraan ng pagbabawas na ginawa niya. Ang tagal ng resulta. Hindi na naipagpatuloy ang ibang kaso. Natatakot din kasi ang mga huwes na masangkot sa mga kasong ganito. Mainit at delikado.

Pero ang sabi nga, kung walang maglalakas-loob na labanan ang sistemang ito na sinasabing nariyan na sa loob ng tatlong dekada mula pa noong dekada 1970, walang mangyayaring pagwawasto sa malaganap na korupsiyong ito.

Isang pasimula at patunay ang kaso sa Pangasinan na maaari namang mahuli ang mga kasangkot sa dagdag-bawas. Kapag hindi ito pinursigi, sadyang hindi maigagalang ang ating politika. Kundi may dagdag, may bawas. Hindi natin maisasakatuparan ang tunay na demokrasya kung ganito nang ganito ang mangyayari. Kaya napakahalaga ng salitang dagdag-bawas para palagian nating maaalala ang pagsisikap ng bayan na maisakatuparan ang ideal ng demokratikong lipunan at buhay para sa Filipino.

SAWIKAAN 2004: Tsíka


ni Rene Boy Facunla (aka Ate Glow)

Sa Espanyol, munti o maliit ang ibig sabihin ng chica. Casa chica. Cara chica. Maliit na bahay. Munting mukha. Tumutukoy rin ito sa batang munti, lalaki man o babae. Puwede rin itong term of endearment sa mga matalik na kaibigan—mi chico, mi chica. O pagbati o pangungumusta sa oras ng personal na pagkikita—Ola chica. Sa katotohanan, sa ekspresyong ito nagmula ang pakahulugan ng mga Filipino sa salitang tsika. Pero alam mo naman ang Pinoy, ang galing magpalawig ng mga bagay-bagay. Marami siyang nagagawa pagdating sa badyet, oras, relasyon, at depinisyon. Napapalawak niya ang sakop ng mga kahulugan. Ang bagay na hiniram, hindi nananatiling hiram kundi inaangkin na talaga. Nagiging Pinoy na. O di ba? Tingnan lang natin kung sinong Espanyol ang makakikilala sa nangyari sa kanilang terminong chica na tsika sa Filipino. Hindi na lang basta “munti” o “maliit” ang tsika. Lumawak at lumaki na ito.

Sa ngayon, laganap na ang salitang ito. Walang tsika talaga. Bading man o hindi, gumagamit na nito. Halimbawa, maaaring ganito ang marinig nating paggamit sa tsika:

1. Kapatid, matagal na tayong di tsika.Punta ka naman dito. Tsika tayo.
2. Ate, paano mo nakuha‘ yang account? Wala, tsika lang.
3. Sabi ko, gandahan mo mo‘ yung paper mo, ano ba, tsinika mo naman.
4. Ay, akala ko masungit ka. Tsika-tsika ka rin pala.
5. Anak, tsikahin mo ‘yung bisita, sige na. Ayoko, di ko naman ‘yun katsika.

Tsika 1. Sa una, “kuwentuhan” ang ibig sabihin ng tsika. Kapag malapit na kaibigan o katapatang-loob mo ang isang tao, karaniwan nang bahagi ng inyong pagkakaibigan ang pagkukuwentuhan. Kailangang mag-update kayo ng nangyayari sa buhay ng isa’t isa. O kailangang pagtsismisan ninyo ang mga kaibigan o kakilala. Tsikahan ang tawag dito. Kapag mahilig kang makipagkuwentuhan, tsikador o tsikadora ang tawag sa iyo. Puwedeng palakuwento ka lang talaga, daldalero. Puwede rin namang tsismoso/tsismosa ka na talaga.

Tsika 2. Sa ikalawa, naroon pa rin ang kahulugan ng kuwentuhan pero sa mas tiyak na pakahulugan. Nakuha niya ang account dahil “matsika” o maabilidad sa pakikipag-usap sa kliyente. Maaari rin namang magaling mambola ngunit dito’y ang positibong pakahulugan ang nangingibabaw. Kapag matsika ka, ikaw ay bibo, may tiwala sa sarili, at bukas makipag-ugnayan sa kapuwa tungo sa kapaki-pakinabang na mga layunin.

Tsika 3. Lumilitaw rito ang medyo hindi positibong kahulugan ng “tsika.” Mayroon na ritong elemento ng hindi pagseseryoso sa inaatas na mahalagang gawain. Kung baga, minadali ang pagsulat ng papel. Pinaa. Tsinika. Dito rin lilitaw ang kahulugan ng pagiging bolero ng isang tao. Tsumitsika lamang ito. Nagbibiro. Kapag gustong pawalan ng bisa ang isang nabanggit na pahayag, puwedeng sabihin na “Huwag mong paniwalaan, tsika lang iyon.”

Unang lumitaw ang salitang “tsika” noong kalagitnaan ng dekada otsenta. Kuwentuhan lamang ang ibig sabihin nito noon. Ginamit itong titulo ng programang pang-young adults—ang Chico Chica na prinodyus ng Philippine Children’s Television Foundation, ang prodyuser din ng Batibot. Isa sa mga talent ng Chico Chica si Richard Reynoso na sumikat na mang-aawit din.

Noong kalagitnaan naman ng dekada nobenta, salamat sa Bubble Gang, na-transform ang tsika at ito’y naging “tsiken.” Sa programa sa telebisyon, magpapalabas ng kalokohan ang mga komedyante sa isang segment at magtatapos ito sa sabay-sabay na pagsigaw ng “Tsiken!!” Parang sinasabi na, “Ano ba iyan!” o kaya’y “Joke! Joke! Joke!” Napasok din ang bersiyong “tsikadi” na pagiging friendly ang ibig sabihin. Halimbawa, sa halip na sumunod sa isang seryoso at takdang patakaran, mas iibigin ng kasapi ng grupo ang tsikadi policy o yaong puwedeng mag-adjust sa pangangailangan ng mga kasapi. Kaya hindi “in” ang rabid feminism. Mas gusto halimbawa ni Joi Barrios, peministang iskolar, ang tsikadi feminism o feminism na umaangkop sa pakikisama at value na sinusunod ng mga Filipino at hindi isinunod lamang sa mga feminista ng mga taga-Europa at Estados Unidos. Pinahahalagahan sa ugaling “tsika” o “tsikadi” ang pakikisama at maayos na interpersonal na ugnayan.

Ngunit sandali lamang sumikat ang “tsiken” at “tsikadi” at muling nagbalik o hindi naman nawala ang bukambibig na tsika.

Sa isang poetry reading sa UP, may bumasa ng tula na puro salitang “tsika” lamang ang laman ng taludtod. At naiparating naman ng manunulat ang kaniyang ibig sabihin.

Patunay ang tsika sa pagkamalikhain ng Filipino pagdating sa pagbuo ng bagong bokabularyo. Maaaring hiram lamang ang salita ngunit makikita na ang husay ng Pinoy sa pag-imbento at pagbabagong-bihis sa kahulugan ng salita.

Laganap at bahagi na ng pang-araw-araw na bokabularyo ng mga Filipino ang “tsika” kaya sa palagay ko, nararapat itong tanghaling “Salita ng Taon.” Walang tsika.