-
HEADING-1 GOES HERE
DESCRIPTION GOES HERE -
HEADING-2 GOES HERE
DESCRIPTION GOES HERE -
HEADING-3 GOES HERE
DESCRIPTION GOES HERE -
HEADING-4 GOES HERE
DESCRIPTION GOES HERE -
HEADING-5 GOES HERE
DESCRIPTION GOES HERE
Wednesday, April 7, 2004
SAWIKAAN 2004: Mga Kalahok
Alwin Aguirre at Michelle Ong. Guro ng Panitikan at Kulturang Popular sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas si Alwin Aguirre. Nagsusulat siya ng maikling kuwento, science fiction, bukod sa gumagawa ng maiikling pelikula. Guro sa UP Departamento ng Sikolohiya si Michelle Ong. Isa rin siyang research fellow sa UP Center for Integrative and Development Studies. Katatapos lang ng kanyang MA, at ang kanyang tesis ay tungkol sa pag-iimahen sa katawan ng mga Filipina.
Ruby Alcantara. Full Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas si Ruby Gamboa Alcantara.. Kasalukuyan siyang Deputy Director ng UP Institute of Creative Writing. Autor siya ng Diksiyonaryong Hiligaynon-Filipino na nagwagi ng National Book Award.
Teo T. Antonio. Kabilang sa mga pangunahing makata ng bansa at maraming beses nang nagwagi sa mga pambansang patimpalak sa panitikan. Nakapaglathala na siya ng sampung aklat ng tula kabilang na ang tulang epiko na Piping Dilat na nagwagi ng Centennial Literary Prize noong 1998.
Abdon M. Balde, Jr. Bikolanong inhinyero at ngayo’y sumisikat na kuwentista. Nagwagi sa Gawad Palanca ang kaniyang maikling kuwentong Supay; at ang kaniyang pangatlong aklat na Mayong ay ginawaran ng 2003 National Book Award.
Romulo P. Baquiran, Jr. Guro ng Malikhaing Pagsulat sa U.P. Department of Filipino si Romulo P. Baquiran, Jr. Nakalapaglabas na ng dalawang libro ng tula—Mga Tula ng Paglusong at Onyx. Nagwagi sa 2003 National Book Award ang ikalawa. Kasapi ng LIRA at Oragon Poets’ Circle.
Randy David. Full Professor sa UP Departamento ng Sosyolohiya. Kolumnista sa Philippine Daily Inquirer. Magkasunod na nalathala ang kaniyang premyadong mga aklat na Reflections in Sociology and Philippine Society (2001) at Nation, Self, and Citizenship: An Invitation to Philippine Sociology (2002).
Rene Boy Facunla (Ate Glow). Kilalang-kilala bilang Ate Glow sa komedyang pantelebisyon. Seryosong mag-aaral ng BA Malikhaing Pagsulat ng U.P. Kolehiyo ng Arte at Literatura.
Bienvenido Lumbera. Kilalang guro, kritiko, librettist, at iskolar. Noong 1993, pinagkalooban siya ng Ramon Magsaysay Award for Jounalism, Literature, and Creative Communication Arts. Kailan lamang ay nagwagi ng National Book Award ang kaniyang Sa Sariling Bayan, isang koleksiyon ng mga dulang musikal.
Jimmuel Naval. Kasalukuyang Associate Dean for Research and Publications ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Premyadong mangangatha at mananaysay, isa rin siya sa mga unang nagwagi ng Writers Prize na iginawad ng NCCA sa mahuhusay na manunulat.
Leuterio Nicolas. Isang accountant, libangan ni Boy Nicolas ang pag-aalaga ng honeybee. Una siyang nagsulat ng mga iskrip sa komiks bago ng mga maiikling kuwento at mga lathalain. Ang isang akda niya ay nagkamit ng Second Prize sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Sarah Raymundo. Nagtuturo ng kulturang popular sa Departamento ng Sosyolohiya sa UP Diliman. Siya ay kasalukuyang Sekretaryo-Heneral ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy o CONTEND.
Delfin Tolentino. Dekano ng Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon ng UP Baguio. Kilalang iskolar at manunulat, nagtuturo siya ng comparative literature, at nakatuon ang mga saliksik sa panitikan, kasaysayan, at kulturang materyal ng Cordillera. Siya po ay si Prop. Delfin Tolentino.
Roland Tolentino. Kasaluyang direktor ng U.P. Film Institute at propeso sa Department of Film and Audiovisual Communication ng UP College of Mass Communications si Dr. Roland B. Tolentino. Isa siya sa pinakaprolipikong mananaliksik at manunulat sa mga larang ng malikhaing pagsulat, kulturang popular, kritisismong pampelikula, araling pang-media, at araling pangkultura.
Rene Villanueva. Isang pangunahin at premyadong mandudula, manunulat ng panitikang pambata, at mananaysay si Rene O. Villanueva. Isa siya sa iilang manunulat na nagawaran ng Hall of Fame Award ng Gawad Palanca at kinilala rin bilang Ten Outstanding Young Persons of the World noong 1993.